NATATANDAAN MO PA BA..? NAAALALA MO PA BA NOONG IKA’Y ISILANG? KUNG PAANO IKAW AY NAKIPAGLABAN UPANG MAIMULAT ANG ‘YONG MGA MATA SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON? AH! SIGURO HINDI NA.
BAKIT GANO’N? BAKIT TILA WALA MAN LAMANG ISA SA ATIN ANG NAKAKAALAM NG TUNAY NA KAHULUGAN NG BUHAY? BAKIT TILA ANG NAKAKAAPEKTO LAMANG SA ATIN SA NGAYON AY KUNG ANO ANG NASA PALIGID? ITO NGA BA? ANG MUNDONG GINAGALAWAN NATIN NA SIYANG NAGHUHUDYAT PARA SA MGA SUSUNOD NA HAKBANG? NASAAN ANG MGA EHEMPLO NA MAKAPAGPAPABALIK NG ATING GUNITA? --MAKAPAGPAPAALALA KUNG SINO AT ANO NGA BA TALAGA TAYO SA LUPANG PATAG?
HINDI KA BA NAGTATAKA? NAIINIP? NABABALISA? …SAAN? ALAM MO ‘YON… MARAHIL AY SARADO LAMANG ANG IYONG ISIPAN SA TUNAY NA DAPAT TAGLAYIN NG IYONG DIWA. MASYADO KA LAMANG NAAAPEKTUHAN NG MATERYAL NA MUNDO, KAYA TULOY NALILIMUTAN MO NA KUNG PAANO MAGBUKAS O MAGPINID NG PINTO… NAIINTINDIHAN MO BA? SA PALAGAY KO, HINDI. HINDI, DAHIL HINDI MAITATATWA NG IYONG MUKHA —NG IYONG MGA PAGTAWA.
YAN… YAN ANG IBIG KONG SABIHIN… MARUNONG TAYONG GUMUHIT NG PARIHABA NGUNIT MINSAN, HINDI NATIN NAPAPANSIN (O PINAPANSIN) ANG KAIBAHAN NG BAWAT SULOK. TAPOS NGAYON, ITINATANONG MO, KUNG ANO NGA BA ANG KAHULUGAN NG BUHAY. TULOY, MAY MGA PAGKAKATAONG NAPIPINID TAYO SA LIKOD NG ISANG PINTO AT ‘DI NA NATIN KAYANG LUMABAS – LIMITADO. DOON, DOON MO NAIHUHUBOG KUNG ANO “IKAW” – ANG NAGIGING IKAW. UPANG PAGKATAPOS AY MAGING SARADO NA ANG IYONG ISIPAN SA IBA PANG ASPETO AT KULAY NG BUHAY. SAYANG… PAANO NGA BA TAYO MAGKAKAINITINDIHAN? ANG GULO!!!
NAAALALA KO TULOY, ANG DAMDAMIN (O PAGMAMAHAL) NA MINSAN, KAHIT SINTAAS PA NG ULAP, ‘PAG DINAANAN NG PANAHON… UNTI-UNTING NABABAWASAN (O NAGLALAHO) KAHIT NA WALANG DAHILAN. BAKIT NGA BA? SIGURO DAHIL…
KALAWANG SA UGAT… HANGIN SA UTAK… KARAYOM SA TALUKAP NG MATA… PAKO SA BUMBUNAN… …MGA PAYAK NA PALATANDAANG HINDI PA NATIN NAAALALA ANG PANAHONG PINUTULAN TAYO NG PUSOD. TAYO’Y NARITO PA… SA KONGKRETONG PANAGINIP… SA PUTING BASAHAN AY NATUTULOG PA AT NAKAPIKIT… KAILAN?… KAILAN NATIN MAUUNAWAAN?…
…SA PUTING BASAHAN. |
0 Comments:
Post a Comment
<< Home