Name:
Location: United Arab Emirates

Wednesday, July 08, 1992

ATAOL

SIYA NA NAKAHIGA SA ISANG ATAOL
SIYA NA NAKALAYA SA MAGULONG MUNDO
SIYA NA MAPAYAPA’T MATA’Y NAKAPIKIT
LABING NAKATIKOM AT ‘DI NA MAKAAWIT

SIYA NA TAHIMIK AT NABABALUTAN
NG KASUOTANG PUTI SA MATIGAS NA HIGAAN
SA PALIGID NIYA NA MGA BULAKLAK
SAMYO NG KALINGA’T BANGO NG MGA ROSAS

SIYA NA WARI’Y MUKHANG MALUNGKOT
MAKINIS NA NOO NA HINDI NA MAIKUNOT
SA LOOB NG ATAOL AY NALULUKUBAN
NG MASUYONG HAPLOS NG KAPAYAPAAN

ANO NGA BA ANG DAPAT NA IKAKATAKOT
SA MAHABANG HIGAANG MATIGAS ANG PALIBOT
BAKIT NA KAILANGAN NA TAYO’Y UMIYAK
TUMAGHOY AT TUMANGIS AT TUMITIG SA TABAK

HINDI NGA BA AT WARI’Y NAKAKAINGGIT
PAGKAMUHI’T ALINLANGA’Y TAPOS NA’T NAIWAGLIT
WALA NANG TAKOT AT PAGKALIGALIG
WALA NANG MALIGNO AT MULTO SA ISIP

PAGTINDIG NG BALAHIBO’Y WALANG SUKAT SAYSAY
PAGPATAK NG LUHA’Y ANO BA’NG MAIBIBIGAY
PAGLAPAT NG KAMAO SA MATIGAS NA PADER
AY KASABAY NG PAG-ALPAS NG TAMPO SA ANGHEL

NGUNIT KAHIT DAANIN SA AWIT AT PAGSIPOL
ALINLANGAN AT TAKOT AY HINDI MASUSUKOL
ANG TAPANG AT TIWALA NAWA AY SUMIBOL
HMN! TAYO RI’Y HIHIGA SA ISANG MAGARANG. . .

ATAOL

0 Comments:

Post a Comment

<< Home