SA LOOB NG ISANG MAGULONG POLITIKA AY MAYROON DING ISANG LARO'T NAKAGIGIMBAL PA ANO BA ANG BAGO AT IKINAIBA? NAKATUTUWA O NAKAPAGTATAKA?
ANG TAWAG DITO AY ASWANG-ASWANGAN AT KAKAIBA SA LARONG NAKASANAYAN NGUNIT 'DI BAGO SA MAMAMAYAN MAYROON DING BUMIBILIB AT NAPAPANGITAN
ITONG MGA ASWANG ANG SIYANG LAGING TAYA SUBALIT ANO ITO'T SILA PA'Y NATUTUWA HINDI KAYA SILA NAHIHIYA SA NAKASUSULASOK NA PANDADARAYA?
SA HALIP NA SILA ANG NABABALAGOONG ANG SIYANG HINDI TAYA ANG NANGYAYARING "PAGONG" PAGKAMPAY NG PAKPAK NA MABILIS PA SA GULONG ANG MGA BIKTIMA AY HALOS NILULULON
ASWANG NA KAPIT-BAHAY NA KAYTAMIS MAGSALITA TAYA SA LARO NA MAHILIG MANDAYA AT SA ORAS NG KANILANG PANANALANTA ISANG BUONG NASYON ANG NAPIPINSALA
ITO NGA BA'Y TOTOO O ISANG LARO LANG? LARO NA MATINO O LARO NA LAMANGAN? KAILAN HIHINTO, LARONG WALANG KATAPUSAN? HINDI PA BA SAWA SA ASWANG-ASWANGAN? |
0 Comments:
Post a Comment
<< Home