MAY ISANG IBON NA NAGUGULUHAN SIYA’Y NAKAPIIT SA ISANG KULUNGAN BAGAY NA HINDI NIYA MAINTINDIHAN SIYA’Y PINAPAKAIN AT INAALAGAAN
ANO RAW ANG SILBI NG KANYANG PAGLAGO SA LOOB NG KULUNGANG MAY PINID NA PINTO BAKIT DAW SIYA INAARUGA GAYONG HALOS SIYA AY NAKATANIKALA
INIISIP NIYA SA SIYA’Y MAKALAYA UPANG MGA KAPWA IBON AY MAKASALAMUHA IKAMPAY ANG PAKPAK SA IHIP NG HANGIN NA SADYANG NAKALAAN SA IBONG MAGLAMBING
MINSAN ANG KULUNGAN AY NAIWANG BUKAS MAY MGA KAPWA IBON NA NAGHINTAY SA LABAS GAYONG BAGAY NA IYON ANG IKINALILIGAYA SUKDULANG HAWLA’Y BIGLANG ISINARA
MINSAN AY NAGKAROON NG PAGKAKATAON ANG IBO’Y NAKALAYA’T NAKAPAGLIMAYON MUNDO’Y ANONG SAYA, NAPAKALIGAYA BAKIT ‘DI MAUNAWAAN NG MAY-ARI SA KANYA
SIYA’Y NAGBALIK SA HAWLANG BUKAS NGUNIT UMAARUGA, GALIT ‘DI PINALIPAS ANG IBON AY LALONG NAGULUMIHANAN GAYONG SIYA’Y NAGBALIK, BA’T KINAGAGALITAN
SA GANO’NG YUGTO AY KANYANG NAPUNA NA SA MGA BAGAY NA KANYANG IKINATUTUWA ANG NILALANG NA SA KANYA’Y NAG-AARUGA AY NAGPUPUYOS AT NAGSUSUMIPA
ANG IBON AY SADYANG NAGUGULUHAN BAKIT DAW SIYA IPINIPIIT SA ISANG KULUNGAN LUBOS AT HINDI NIYA MAINTINDIHAN BAKIT SIYA PINAPAKAIN AT INAALAGAAN |
0 Comments:
Post a Comment
<< Home